Ang puso ko ay nagpupuri para sa Panginoon
Tuesday, October 26, 2010
Maligayang Ika-7 Anibersaryo Katoliko Group
Maligayang ika-7 Anibersaryo sa inyo mga groupmates!
Ang Ebanghelyo ng Panginoon ay tunay nga na 'di lang nakakapagbigay ng kaalaman sa ating lahat, ang Ebanghelyo ay may kapangyarihan na makapagbago sa ating lahat! Ang pagbabago na ito ay nagpapalago at nagpapaunlad sa ating buong katauhan, sa esperitwal, sa pisikal, at sa ating relasyon sa Diyos at sa lipunan.
Sa aking karanasan, ang aking paglago sa grupo ay sa pagbabahagi ng aking mga pagninilay sa mga Pagbasa at pagbukas ko sa aking sarili sa mga naibabahagi ng iba tunay nga na tinutulungan ako ng Panginoon na paglalimin ang aking kaalaman sa Pananampalataya at pagpapalakas ng aking esperitwal na buhay sa pamamagitan ng lalo kong pagkilala sa Kanya. Nagpapasalamat ako at naging kasama ko kayo sa grupo na nagbibigay sigla sa akin upang ipagpatuloy ang pagtagpo sa Panginoon sa ating Pananampalataya. Dahil sa inyo, alam ko na lagi akong may kasama, na laging may makikinig at magbabasa ng aking ibabahagi, na laging may bukas-palad sa ating grupo na magbabahagi ng kanilang kaalaman, pagmamahal at pagninilay. Tunay na nagkakaroon tayo sa grupo na ito na masaksihan na tayo ay gawa para sa handog: ang lahat ng kabutihan ay natanggap natin mula sa Panginoon at tayo'y tinatawag upang ihandog sa iba ang ating sarili at ang ating mga natanggap mula sa Panginoon.
Dahil sa grupo natuon ang aking pagninilay sa pulyeto, mga pagpabasa, at sa ngayon ay sa mga dokumento ng Iglesiya. Ang paglago ko din sa grupo ang nag-udyok sa akin na makipag-ugnayan sa iba pang mga pangkat.
Salamat sa mga madalas na nagsheshare tulad nina Fr Dante, Bros Carlos, Resty, Prinz, George, Allan, Volt, James, Duchin, Benjie, Miguel, Bal at kina Srs Myrna, Claire, ate Dwen, Shirley
Ang panalangin ko ay lalo pang mamunga ang grupo na ito para sa Panginoon.
Gaya ng nasabi ko, dahil sa ipagdiriwang natin ang ating ika-7 Anibersaryo ng 30 na araw, Itutuloy natin ang ating pagdiriwang hanggang sa ika-9 ng Nobyembre. Kaya nama, magpopost ako ng aking mga naibahagi ko ng artikulo noon na palagian kong ibinabahagi pati sa labas ng ating grupo.
Maligayang Anibersaryo,
Eric Piczon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment