Dt 26:4-10 - Salmo 91 - Rom 10:8-13 - Lk 4:1-13
Lk 4:1-13
Imalis mula sa Jordan si Jesus na puspos ng Espiritu Santo at naglibot sa disyerto na akay ng Espiritu sa loob ng apatnapung araw; at sinubok siya roon ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa loob ng mga araw na iyon at sa katapusa'y nagutom siya. Sinabi sa kanya ng diyablo: "Kung ikaw ang anak ng Diyos, iutos mo sa batong ito na maging tinapay." Ngunit sumagot naman sa kanya si Jesus: "Sinasabi ng Kasulatan: Hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao." Pagkatapos ay itinaas niya si Jesus at ipinakita sa kanya sa isang kaisap-mata ang lahat ng kaharian sa mundo. Sinabi sa ng diyablo sa kanya: "Sa iyo ko ibibigay ang kapangyarihan sa lahat ng ito at ang kaluwalhatiang kalakip nito dahil sa akin ito ipinagkatiwala at maiibibigay ko ito sa maibigan ko. Kaya mapapasaiyo itong lahat kung magpapatirapa ka sa harap ko." Ngunit sumagot sa kanya si Jesus: " Sinsabi ng Kasulatan: 'Ang Panginoon mong Diyos ang iyong sasambahin at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
PAGNINILAY
Kapansin-pansin sa pagbasang ating narinig na tinukso si Jesus ng diyablo sa panahong gutom at mahina siya. Kung tutuusin maaari siyang kumapit sa tukso dahil sa pisikal na pangangailangan. Pero dahil sa puspos siya ng Espiritu Santo matibay niyang napanindigan kung ano ang tama, nararapat at kung ano ang kalugod-lugod sa Diyos. Mga kaibigan, maraming pagkakataon ding tayo'y nahaharap sa mga tukso at dumarating ito sa panahong tayo'y mahina at may matinding pangangailangan. Alam mg diyablo ang kahinaan natin at marunong siyang tumayming. Kung di natin alam ang ating kahinaan, nilalagay ang sarili sa okasyon ng pagkakasala - pero wala tayong malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos, malamang na magtagumpay ang diyablo sa'tin. Samantalang kung tayo'y may matatag na pananampalataya, may takot sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo, walang tuksong mananaig sa'tin? Panginoon puspusin mo po ako ng iyong Espiritu Santo upang maliwanagan ang aking puso't isip na maging matatag sa gitna ng mapanirang tukso. Amen.
Sharing
Hindi lahat sa mundo madaling ipaliwanag o patunayan.
Subalit naniniwala tayong may dahilan ang lahat ng mga bagay sa mundoat sa ating buhay. Hindi man natin nakikita o lubos na nauunawaan ang mga ito. Mahiwaga ang buhay ng tao, higit nating nating napatunayan ito sa panahon ng krisis at pagsubok sa buhay, ito ang makikita nating tagpo ng pagtukso ng diyablo kay Jesus.
Hindi pagtulak sa kasalanang moral ang pagtukso ni Jesus sa ilang, sa halip ang pagsubok na ito ay upang patunayan kung sino sya talaga. Nagmula ang laks ng sinumang binigyan ng misyon sa kanyang pagkilalala sa sarili tulad ng pagkilala sa kanya ng Diyos. Ang mga pagtutukso kay Hesus sa ilang ay di pagtutukso sa atin, ang gawing tinapay ang bato, ang angkinin ang buong mundo or pagtalon ng di nasasaktan mula sa mataas na gusali, hindi tayo maaaring tuksuhin sa mga bagay na ito, wala tayong kakayahang gawin ito, kaya naman sinasabi na krisis ni Jesus kung anong kapangyarihan gawin. Sa simula ng pagtukso sinabi ng dyablo "kung ikaw ang Anak ng Diyos… (Lc 4:3)Nang matapos ang pagtukso sa ilang, nakilalla siya ng mga mambabasa ng Ebanghelyo bilang tunay na anak ng Diyos.
Sa pagbasa natin sa Ebanghelyo na ito, nauunawaan nating mayroon din tayong sariling kwento sa disyerto, tulad na lang siguro sa ilang pagtatwa ng ilang tao sa sarili nating gawain, may ilang pagkakataon na sumusuko na ako, at pag iisip na mag quit sa grupo, mahabang katahimikan siguro pa ang kailangan ko, sa pamamagitan nito, kailangan ng malaking tiwala, para maunawaan ko ang aking sarili, sa apatnapung araw sa disyerto ng Panginoon, hinahamon nya akong maging matatag at humawak sa kanya, sinusubukan din ang bawat isa sa atin nito.
Nagdadala ng kaligtasan sa mndo ang apatnapung araw ni Jesus sa disyerto, anim na oras sa krus at walang hanggang muling pagkabuhay. Sa mahiwagang paraan, binibigyan tayo ng isa pang pagkakataon na muling isulat ang ating kwento ayon sa pagpapakatoo ni Jesus sa ilang. "Ang iyong Diyos at Panginoon ang sasambahin mo, at siya lamang ang iyong paglilingkuran, amen.
GOD bless
dwen